Pakiramdam ko palagi na lang akong bumabyahe. Mula bata pa talagang makati na ang mga paa ko. Ilang oras din sa bus ang tinitiis ko kasama ang usok, pawis, init, libag, lagkit, pagod at gutom para lang makarating sa patutunguhan, kung saan man yun.
Kahapon, bumiyahe na naman kami ni Ederic. Tila sinuyod naming dalawa ang buong Luzon sa tagal ng byahe. Mula Norte tumungo kami sa Taal, Batangas. Pakiramdam ko tuloy tinubuan na ako ng kulani sa puwet sa tagal ng pagkakaupo sa bus.
